I am proud to be an HHDC Member

2018-07-26

Ako po si Lumin Padonia Compasibo, myembro ng Helping Hand Development Cooperative (HHDC) na hired noong May 2014. Na assign po ako sa Protek Automotive Products, Inc. ngunit sa di inaasahang pagkakataon na lay off po kaming lahat na myembro ng HHDC. Na recall po ako ng HHDC noong April 25, 2016 para sa client nitong Curt Philippines.

Sinikap ko po na maging mabuting empleyado sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng rules and regulations na pinapatupad ng Kooperatiba. Proud po ako na naging bahagi akong muli dahil mas lalo pang nahubog ang aking kakayahan at naging responsable sa lahat ng pagkakataon.

Masaya po ako sa achievement ko ngayong taon dahil mula Production Operator naging Material Handler po ako. Kailangan ko pong gampanan ng mabuti ang bagong challenge ng trabaho ko. Proud din po ako na laging nakakakuha ng perfect attendance. Ito lang po ang masusukli ko sa kabutihan at pagtitiwala ng HHDC sa akin. Sisikapin ko pong mapanatili ito upang ako’y pamarisan ng ibang kamyembro pagdating sa compliance ng Timekeeping.

Paulit-ulit ko pong ipagmamalaki at ipagpasalamat na naging bahagi ako ng Helping Hand Development Cooperative. Nawa’y hindi kayo magsasawang tumulong sa mga nangangailangan.

More Power and God bless.

+